Sunday, July 1, 2007

kung sino ka mang GAGO

Matalino ka? Hindi halata! Dapat kasi nag-iisip ka muna bago ka magsalita—inaalam ang mga bagay-bagay upang makapagbigay ng mga kuru-kuro. Pumuputak ka lang ata e! Hindi mo ginagamit kukote mo. Kung talagang madunong ka, kinikilala mo muna kung sinong binabangga mo. At talagang ako pa ang iyong napili?! Mukha ba akong mahina? Utu-uto? Ewan ko na lang sa’ yo!
Matapang ka? Hindi rin! Yabang lang yan! Patuloy ka namang nagkukubli sa ipinagmamalaki niyong kapatiran. Malakas lang loob mo kapag nagsama kayo ng mga kauri mo. Pero kung ikaw lang mag-isa, makakapag-angas ka pa ba? Subukan mo kayang magpatukoy sa akin? Sabihin mo nang harap-harapan ang mga biro mong nakakasakit. Hindi yung malalaman ko pa sa iba na nanggagago ka na pala.
Galit ako? Siguro naman. Kung hindi mo napapansin, maliban sa isang tula para diyan sa brod mo, ito lang ang tagalog na pahayag dito. Marahil naman, pansin mong kakaiba ang epekto ng ginawa mo.
Hindi ako palaaway na tao, pero sinimulan mo ako. Sa tingin mo ba, ako yung tipong walang pakialam? E tanga ka! Wala naman akong ginagawa sa’ yo. Hindi ka naman naapektuhan sa kung anuman ang inasal ko. Ni hindi nga kita kilala. Siguro nga, kilala mo ako. Pero sigurado akong wala sa katiting ang kaalaman mo sa buo kong pagkatao. Ngunit nangahas ka pa ring magbigay ng mga opinyong walang sapat na basehan. Hindi ako perpekto. Maraming kasalanan na rin ang nagawa ko sa buhay ko. Pero para malaman mo, isa sa mga pinakamatinding kasalanan ko ay ang makilala ko yang brod mo!
Nirerespeto ko ang kapatiran niyo noong una. Hinahangaan ko pa nga. Pero kung lahat ng miyembro niyo ay katulad mo, e wala na! Mga tsismoso at pakialamero! Mga lalaki pa naman kayo! Matuto kayong rumispeto! Huwag niyo gawing katatawanan ang mga bagay-bagay na seryoso para sa ibang tao. Kung may nais kayong punahin sa gawi ng mga miyembro niyo, huwag kayong mandamay ng kung sinuman na labas sa samahan niyo. Kailanman, wala kayong karapatan para mambastos!

No comments:

Post a Comment