Friday, May 11, 2007

To Whom It May Concern

Ewan
Di ka naman kagwapuhan
Rally nga’y hindi mo pinapatulan
Ayaw mong makialam at maging maalam
Ni hindi ka nga nagmomodang maging
US o CS diyan
Idol mo pa si Dolphy kung sa
pambababae lang
Loser ka talaga, aminin natin yan
Likas ba sa ‘yo ang pagiging ganyan
Ano pa bang kabahuan mo ang
dapat kong matanto
Upang ako’y mamulat na nang todo
Ramdam ko naman ang kagagahan
ko sa ‘yo no
E di lang kasi umuubra ang dikta
nitong utak ko
Lumipas na sana ‘to… titiyakin kong magsisisi
ka sa pagiging lipas mo sa buhay ko…

No comments:

Post a Comment